Pangulong Duterte, naniniwalang corrupt ang mga tauhan ng DPWH maliban kay Sec. Mark Villar

Malabong maging corrupt si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar dahil mayaman na siya.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagtatanggol sa kalihim mula sa alegasyon ng korapsyon.

Sa kanyang televised address, naniniwala si Pangulong Duterte na ang nasa mababang posisyon sa ahensya ang sangkot sa katiwalian.


“Si Villar, mayaman. Maraming pera. Hindi niya kailangang mangurakot. Ang problema, sa baba. Malakas pa rin hanggang ngayon. Sa mga projects sa baba, ‘yon ang laro diyan,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang binanatan din ni Pangulong Duterte sa nakaraan niyang public address ang DPWH dahil sa laganap na korapsyon sa ahensya.

Nais ni Pangulong Duterte na isapubliko ang mga bidding procedures.

Una nang sinabi ng Malacañang na patuloy na nagtitiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte kay Secretary Villar.

Facebook Comments