Pangulong Duterte, napagod lamang kaya hindi nakadalo sa anibersaryo ng PDEA kahapon

Manila, Philippines – Nilinaw ni PDEA Director General Isidro Lapeña na napagod lamang si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakadalo sa ika-15 Anibersaryo ng Philippine Drug Enforcement Agency kahapon.

Ang pahayag ay ginawa ni Lapeña dahil na rin sa mga usap-usapan umano na kaya hindi nakasipot sa Anibersaryo ng PDEA ang Pangulo ay dahil mayroon itong iniindang problema sa kanyang kalusugan.

Paliwanag ni Lapeña napagod lamang umano si Pangulong Duterte dahil sa kaliwat kanan nitong pagbisita sa mga sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi City.


Giit ni Lapeña, hindi dapat bigyan ng anumang kulay ang hindi pagdalo ni Pangulong Duterte dahil nagpadala naman ito ng kanyang kinatawan sa katauhan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Facebook Comments