Pangulong Duterte, nasa “perpetual isolation”; pulong ng IATF ngayong araw, magiging virtual lamang

Nasa “perpetual isolation” si Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa pag-iingat ng Presidential Security Group para hindi tamaan ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maayos ang kalagayan ng Pangulo kahit na nakasalamuha nito si Interior Secretary Eduardo año, na muling nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, kahit na nasa isang silid lamang si Pangulong Duterte kasama ang kaniyang mga gabinete noong August 10 sa Davao City ay ipinatupad naman nila ang social distancing at nakasuot din sila ng face mask.


Giit ni Roque, walang nakakalapit kay Pangulong Duterte lalo na’t iniingatan ito ng PSG.

“The President is in perpetual isolation because no one can come close to him. I think sinabi ko na rin sa inyo, whenever we meet with him, there is a velvet rope that keeps him at least six feet away from everyone else so no one can really come close to the Presidente.”

Sinabi rin ni Roque na regular na sumasailam sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test ang Pangulo.

“He does undergo regular PCR tests. Nagrereklamo na nga siya kasi paulit-ulit na yung pagsundot sa ilong niya. And I think it’s also a requirement of Davao City Mayor Sara whenever he goes back in Davao so he complies with the requirements of the local government”

Dahil dito, sinabi ni Roque na virtual meeting na lamang ang magiging pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ng Pangulo.

Facebook Comments