Pangulong Duterte, nasupresa nang makapasok ang Pilipinas sa listahan ng pinakaligtas na bansa sa mundo

Nasupresa si Pangulong Rodrigo Duterte nang malaman niya na kabilang ang Pilipinas sa mga pinakaligtas na bansa sa buong mundo batay sa report ng analytics company na Gallup.

Batay sa 2020 Global Law and Order Report, ang Pilipinas ay nasa ika-12 pwesto mula sa 50 safest countries.

Nakakuha ang Pilipinas ng score na 84, kahanay ang Australia, New Zealand at Serbia.


Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte nabasa niya ang report at inamin niyang nasurpresa siya.

Para sa Pangulo, hindi maaabot ng Pilipinas ang pwestong ito kung hindi sa mga law enforcers na nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Una nang nagpasalamat ang Malacañang sa publiko sa pagtitiwala sa peace and order campaign ng administration.

Facebook Comments