Pangulong Duterte, natatanging world leader na kinompronta ang Kafala system

Si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang natatanging world leader na kumopronta sa kontrobersyal na isyu ng Kafala System at ipinanawagan pa ang pagbuwag nito.

Sa ilalim ng Kafala System, nakatali ang migrant workers sa isang employer.

Ayon kay Malacañang Chief Protocol Robert Borje, nakikita ni Pangulong Duterte na hindi patas ang sistema at nalalagay sa kapahamakan ang mga overseas Filipino workers (OFWs).


Malinaw ang adbokasiya ng Pangulo, at ito ay protektahan ang mga OFWs.

Binanggit din ni Borje na nagpapadala pa ng sulat si Pangulong Duterte sa mga lider ng mga bansa sa Middle East at Gulf States, kabilang ang mga royalties at mga hari para ihayag ang kanyang pagkabahala sa sistema.

Dahil sa inisyatibong ito ng Pangulo, ilang bansa ay niluwagan ang kanilang Kafala system o nagpatupad ng reporma kabilang ang Bahrain, Qatar, at Saudi Arabia.

Facebook Comments