Pangulong Duterte, naturukan na ng second dose ng Sinopharm vaccine

Naturukan na si Pangulong Rodrigo Duterte ng ikalawang dose ng Sinopharm COVID-19 vaccine.

Sa mga larawang naka-post sa Facebook account ni Sen. Christopher Go, si Health Sec. Francisco Duque III ang muling nagbakuna kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, fully vaccinated na ang Punong Ehekutibo.


Una nang naging kontrobersyal ang pagpapabuka ng unang dose ni Pangulong Duterte noong Mayo 3 dahil wala pang awtorisasyon ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinopharm vaccine.

Pero noong nakaraang buwan, binigyan na ng FDA ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinopharm vaccine.

Facebook Comments