Pangulong Duterte, naubos na ang pasensya kay Ombudsman Morales

86

Manila, Philippines – Bumanat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Ombudsman Conchita Carpio Modales sa mga patutsada nito matapos nitong sabihin na hindi katanggap-tanggap ang pahayag umano ng Pangulo na atas na magpapatay ng mga kriminal.

Matatandaan kasi na sa ilang talumpati ng Pangulo ay madalas nitong sinasabin na papatayin niya ang mga kriminal dahil sa kagustuhan na matapos na ang krimen sa bansa na dulot naman ng operasyon ng iligal na droga.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa panunumpa ng kanyang mga appointees kanina ay sinabi nito na shut up nalang o dapat ay tumahimik nalang si Morales.

Paliwanag ng Pangulo, wala namang batas na umiiral sa bansa na nagbabawal na bantaan ang mga kriminal.

Nagpipigil lang aniya siya dahil kapatid si Morales ng kanyang balae.

Pero kung gusto aniya ni Morales ay maging tagapagsalita ng mga kriminal sa bansa.

Facebook Comments