Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order (EO) na layong ia-adjust ang dividend rate ng Overseas Filipino Bank (OFBank).
Batay sa inaprubahang EO 146, magkakaroon ng adjustment ng porsiyento ang annual net ratings na idedeklara at ire-remit ng OFB mula 50% hanggang zero para sa calendar year 2016.
Nakapaloob din sa EO na inirekomenda ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang downward adjustment ng 2016 dividend rate sa zero para suportahan ang capital position ng OFBank at payagan itong sumunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang adjustment ng mandatory dividend contribution ay suporta sa short and long-term plans at programa ng mga bangko para sa Filipino overseas at sa kapakanan ng national economy at general welfare.
Sa kabila nito, hindi naman nagdeklara ang OFBank at nag-remit ng dividends na nagkakahalaga ng P43.083 million para sa CY 2016 sa kabila ng pag-apruba ng Pangulo sa adjustment ng “dividend rate to zero.”