Pangulong Duterte, nilinaw na hindi niya inabandona ang ugnayan sa US

Hindi tatalikuran ng pamahalaan ang Estados Unidos sa kabila ng pakikipagkaibigan nito sa China.

Paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi kailanman inabandona ng bansa ang ugnayan nito sa US.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kanyang “neutral” position pagdating sa foreign relations.


“That is what the PDP stands for. It stands for our country that is really free from intervention. Kaya ako nag-neutral. So I made friends with China, but I never abandoned our relationship with America. Wala naman akong sinabing masakit sa kanila,” anang pangulo.

Ang presensya ng US sa bansa ay nais lamang protektahan ang Pilipinas na matagal nilang kaalyado.

“The Filipinos must realize na ang Amerikano nandito not because they want to defend us, ito ‘yong battleground nila. So nandito sila because instead of fighting it out in the state of California, they would rather do it here in the Philippines,” ani Pangulong Duterte.

Aminado si Pangulong Duterte na matatalo ang Pilipinas noong World War II kung hindi tumulong ang US.

Matinding hirap ang dinanas ng Pilipinas mula sa mga dayuhang mananakop.

Facebook Comments