Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal sa pagtatatag ng virology institute sa Pilipinas sa harap ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na isinusulong ng Department of Science and Technology (DOST) at ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang pagtatayo ng virology institute sa New Clark City sa Tarlac.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Virology Institute of the Philippines ay magsisilbing premiere research institute para mapagtibay ang local vaccine development sa bansa.
Una nang sinabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon na aprubado ng economic development cluster ang pagtatatag ng virology institute.
Facebook Comments