Okay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang presensya ng US Forces sa South China Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niya sana ang presensya ng tropa ng Amerika para manatiling neutral ang Pilipinas pero nakikita nito ang pangangailangan dahil sa tensyon sa South China Sea kung saan lalo pang mas naging agresibo ang China sa pinag-aagawang teritoryo.
Aniya, hangga’t maaari ay ayaw niyang magkaroon ng komprontasyon sa China o sa alinmang bansa na mauuwi sa trahedya.
“I am walking on a tightrope, actually. I cannot afford to be brave in the mouth against China because, well, we are avoiding any confrontation — a confrontation that would lead to something which we can hardly afford, at least not at this time.” ani Duterte
Inamin naman ng Pangulo na ang ayaw niya sa Amerika ay maraming pangako sa nakaraan kung saan maraming inorder na mga military equipment pero hindi naman nai-deliver.
“Kaibigan ako ng Amerika, kaibigan ako ng China. But what I don’t like is ‘yang para kang bata na they promise you and they — ganoon ‘yan eh. Magpunta ‘yung mga top brass nila, this group will promise you. Once they take off, they forget all about it and nobody’s following until you keep on reminding them.”