Kinausap at inirekomenda ni Senator Christopher Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang pagbabawal sa mga chinese na makapasok sa ating bansa upang maprotektahan ang mamamayang pilipino laban sa Coronavirus.
Ayon kay Go, sang-ayon si Pangulong Duterte na ipatupad ang temporary travel ban sa mga manggagaling mula Wuhan city at buong HUBEI na lalawigan ng China.
Sabi ni Go, bukod dito ay masusing ding pinag-aaralan ng Pangulo at ng mga kinauukulang opisyal ng gobyeno ang posibilidad na temporary travel restrictions para sa mga magmumula sa iba pang mga lugar o bansa na apektado na rin ng Coronavirus.
Binanggit ni Go, na sa susunod na linggo ay may nakatakda ding pulong si pangulong duterte sa mga medical experts at mga opisyal ng pamahalaan.
Ito ay para talakayin ang kinakailangang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus makaraang maitala ang unang kaso nito na ginagamot ngayon sa San Lazaro Hospital.
Tiniyak ni Go na ginagawa ng Duterte administration ang lahat laban sa Coronavirus.
Kaugnay nito ay umaapela si Go, sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng lahat.