Pangulong Duterte, paiimbestigahan ang quarrying activity sa Guinobatan, Albay

Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na paiimbestigahan niya ang quarrying activity sa Guinobatan, Albay.

Ito ay matapos ang isinagawang aerial inspection ng Pangulo kasama si Senator Christopher Bong Go sa Catanduanes at sa Guinobatan, Albay na isa sa pinaka-naapektuhan ng Bagyong Rolly.

Pagkalapag pa lamang ng pangulo sa Albay, agad itong dinumog ng sumbong ng mga residente.


Ayon sa mga ito, ang malawakang quarrying activity sa Guinobatan ang sanhi kung bakit mas matindi ang pananalasa ng bagyo sa kanilang lugar.

Sinabi naman ni Senator Go, susubukan nilang mag-ikot pa sa ilang probinsya ng Bicol bago dumaan sa CALABARZON bago bumalik sa Metro Manila para sa pulong ng Pangulo sa kanyang mga gabinete

Facebook Comments