Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa sa Linggo, sa Rizal Park.
Sa abiso mula sa Malacañang, may tema ang pagdiriwang ngayong taon na “Kalayaan 2022: Pagsuong sa hamon ng panibagong bukas.”
Ito na ang huling pagkakataon na dadalo ang pangulo sa Araw ng Kalayaan, bago ito ganap na bumaba sa pwesto sa tanghali ng Hunyo a-30.
Pagkatapos ng naturang event, tutungo naman sa Port Area Manila ang pangulo para sa commissioning ng BRP Melchora Aquino.
Samantala, pangungunahan din ng pangulo ang pagbababa ng unang tunnel boring machine na gagamitin para sa paghuhukay ng lupa para sa gagawing subway project.
Magkakaroon dito ng train demonstration, at pagtatanggal ng belo sa Philippine Railways Institute Interim Simulator Training Center ng Metro Manila Subway Project na gaganapin sa lungsod ng Valenzuela.