Pangulong Duterte, pangungunahan ang pagbubukas ng unang bahagi ng Central Luzon Link Expressway

Bubuksan ngayong araw ang pinaka bagong proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte.

Ito ay ang 18 kilometrong Tarlac Interchange patungong Aliaga section ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Project.

Kaugnay nito, pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing inagurasyon mamayang hapon.


Makakasama ng Pangulo sina Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Sa pagbubukas ng CLLEX ay mapapakinabangan na ng mga motorista ang SCTEX/TPLEX connection mula Tarlac City hanggang sa intersection ng Aliaga-Guimba Road sa Aliaga, Nueva Ecija.

Nabatid na nagkaroon ng bahagyang pagkaantala sa pagbubukas ng nasabing lansangan dahil na rin sa pandemya.

Facebook Comments