MANILA – Mamayang hapon nakatakdang pumunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnam para sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Philippines – Vietnam Relations ngayong taon.Kasama ng pangulo ang ilang miyembro ng gabinete para sa kanilang official visit na tatagal ng dalawang araw.Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, pagkakataon ito ng pangulo para pagtibayin ang magandang ugnayan ng dalawang bansa.Base sa schedule ng pangulo, una itong makikipagkita sa Filipino Community sa Intercontinental Hotel sa Hanoi para talakayin ang kampanya ng administrasyon laban sa droga at katiwalian.Makikiisa rin ang pangulo sa pagbibigay-pugay sa Monument of Heroes and Martyrs at sa Ho Chi Minh Mausoleum.Pagkatapos nito ay pupunta ang pangulo sa State Palace para makipag-meeting kay Vietnam President Tran Dai Quang kaugnay sa mga bilateral exchanges gaya ng maritime cooperation at pagpapaigting ng law enforcement at defense cooperation.
Pangulong Duterte, Papuntang Vietnam Mamayang Hapon Para Sa Dalawang Araw Na Working Visit
Facebook Comments