Manila, Philippines – Patuloy ang pagpapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ng suporta sa Philippine National Police.
Binisita kasi ng Pangulo ang Pulis na dinukot ng New Peeples Army nitong nakaraalng July 11 sa Compostela Valley.
Kahapon kahit linggo ay hindi nagpahinga ang pangulo at inalam nito ang kalagayan ni PO1 Alfredo Basacica Jr. na pinakawalan ng rebeldeng grupo noong nakaraang biyernes isang araw bago ang nakatakdang kasal nito.
Sa inilabas na larawan ng Presidential Communications Operations Office ay nakita na kinausap ng Pangulo si PO1 Basabica at inaalam ang naging karanasan nito habang nasa kamay ng mga rebelde at ang kalagayan nito.
Si Basaciba ay Miyembro ng Davao Oriental Provincial Public safety Command at tinangay ng NPA habang nakasakay sa isang pampasaherong bus at pauwi na sana sa kanilang bahay.
Nabatid na kasama ni Pangulong Duterte si Special Assistant to the President Secretary Bong Go. sa pagdalaw nito sa Headquarters ng Tactical Operations Group sa Davao City.