Pangulong Duterte, patuloy na nagtitiwala kay Health Sec. Duque

Kinumpirma ni Senator Christopher “Bong” Go na may tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay sa kabila ng mga birada ng mga kritiko kay Duque dahil sa iba’t ibang isyu kung saan ang pinakahuli ay ang sinasabing naantalang pagbili sana ng bansa sa milyong doses ng anti-COVID-19 vaccine ng Pfizer.

Nag-ugat ang panibagong isyu nang mag-tweet si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin na mayroong nagkulang kaya hindi naisara ang kasunduan sa Pfizer na dapat sana ay darating sa bansa sa Enero ng susunod na taon.


Sa kabila nito ay binigyang-diin ni Go na prerogative ng Pangulo na italaga o panatilihin sa puwesto ang sinumang naisin nito na sa tingin niya ay makakatulong sa gobyerno.

Facebook Comments