Alas-sinco ngayong hapon nang tumulak pa China si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa official schedule ng Pangulo na inilabas ng Malakanyang inaasahang 9:40 ng gabi ang dating ni Duterte sa Beijing, China.
Bukas ng alas 7 ng gabi magkakaroon ng Bilateral Meeting si Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Dito inaasahang igigiit ng Pangulo ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral court hinggil sa usapin sa West Philippine Sea.
Nabatid na ito na ang magiging ika-walong pagpupulong nina Pangulong Duterte at ni President Xi kung saan inaasahan din ang ilang kasunduan at memorandum of understanding ang lalagdaan.
Ilan dito ang agreement na may kinalaman sa Education, Science and Technology, Economic at Social Development.
Maliban dito magkakaroon din ng Dinner Banquet pagkatpos ng magkakasunod ng event ng Pangulo.