Personal na tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 600,000 doses ng bakuna mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac na nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong Linggo, February 28.
Isang simpleng turnover ceremony ang gaganapin sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Matatandaang una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na ang presensiya ni Pangulong Duterte sa pagdating ng bakuna ng Sinovac, ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa donasyon ng China.
Aabot naman sa 100,000 sa kabuuang 600,000 doses ng darating na bakuna ng Sinovac ang nakalaan na sa militar.
Facebook Comments