Pangulong Duterte pinaalalahanan ang mga pulis at sundalo na maging neutral ngayong paparating na halalan

Habang papalapit ang halalan ay muling pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines na manatiling neutral o walang kakampihang pulitiko.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa dinaluhang campaign rally ng PDP laban sa Malabon City ay sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya hahayaan na magamit ng mga pulitiko ang AFP at ang PNP sa kanilang pansariling interes lalo na ngayong panahon ng halalan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay laging nasa gitna at walang kakampihan ang mga pulis at sundalo na kandidato dahil ang trabaho ng mga ito ay panatilihin ang law and order, ipatupad ang batas at tiyakin ang kaayusan ng halalan nang walang kinakampihan.


Dapat din aniyang aksyonan ng mga pulis at mga sundalo ang kanyang mga utos na tapusin na ang mga organized crime, sindikato ng iligal na droga at iba pang krimen sa bansa kasama dito ang mga kaso ng kidnapping.

Facebook Comments