Pangulong Duterte, pinag-aaralang gamitin ang “police power” dahil sa mga patuloy na sumusuway sa batas

Palaging sa gobyerno ang sisi kahit tama sila o mali.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng maraming Pilipinong sumusuway sa mga batas.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na paaulit-ulit na nilalabag ng mga Pilipino ang mga batas pero ang sisi ay palaging ibinubunton sa pamahalaan.


Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi lamang medical issue ang COVID-19 pandemic, pero ito ay pambansang interes.

Babala ng Pangulo, maaaring niyang gamitin ang “police power” para kontrolin ang mga bagay na kailangang kontrolin tulad ng krimen, public interes, at public health.

Mawawalan lamang ng sasysay ang ginagawa ng gobyerno kung patuloy na nilalabag ng gobyerno ang mga batas.

Facebook Comments