Pangulong Duterte pinag-aralang mabuti ang batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa SUCs

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges o SUCs.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, kagabi ay nilagdaan ang naturang batas at dumaan ito sa matinding pagaara.
Paliwanag ni Guevarra, sa isang buwang pinagaralan ni Pangulong Duterte ang nasabing batas at dumaan ito sa konsultasyon sa lahat ng mga kaukulang sector.
Sinabi ni Guevarra na naging pinakamabigat na konsiderasyon ni Pangulong Duterte sa paglagda sa nasabing batas ay ang Social Development o ang magiging epekto nito sa kinabukasan ng bansa at mas mabigat aniya ito kaysa problemahin ang epekto nito sa pondo ng bansa.
Matatandaan kasi na kontra ang mga economic managers ni Pangulong Duterte sa naturang batas dahil sa budgetary implications nito.
Paliwanag din ni Guevara, bahala na ang kongreso sa paglalaan ng pondo na kakailanganin sa pagpapatupad ng naturang batas.
Sinabi din nito na possible ding humugot ng pondo mulas a Local Government Units, Official Development Assistance o ODA mula sa ibang bansa at iba pang Assistance na makukuha ng Pamahalaan.
Nilinaw din naman ni Guevara na sa kanyang pagkakaalala ay kasama din ang miscellaneous fees sa hindi na babayaran ng mga mag-aaral.

Facebook Comments