Pangulong Duterte, pinaglalabas ng malinaw na “policy statement” laban sa China

Hinamon ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng malinaw na “policy statement” laban sa China.

Ang panawagan ay kasunod na rin ng pagkondena ni Pangulong Duterte sa insidente sa Ayungin Shoal kamakailan kung saan hinarang at binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang supply ships ng Pilipinas.

Giit ni Zarate, dapat sabayan ni Pangulong Duterte ang kanyang pagkondena ng malinaw na “policy statement” na naghihinto sa kanyang umano’y baluktot na patakaran na pumapabor sa China.


Aniya, kung hindi ganito ang gagawin ni Pangulong Duterte, hindi maiiwasang isipin ng publiko na “political stunt” lamang ang pahayag ng presidente, na tatakbo sa pagkasenador sa eleksyon 2022.

Duda ang kongresista na posibleng matulad ang pagkundena ngayon ni Pangulong Duterte sa China sa “jetski joke” noong panahon na nangangampanya pa ito sa pagkapresidente.

Facebook Comments