Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete na iwasang magsalita o maglabas ng pahayag hinggil sa mga usapin sa West Philippine Sea.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na pwedeng magsalita sa publiko ang mga Cabinet members hinggil sa isyu.
Pero si Presidential Spokesperson Harry Roque ay mananatiling tapagsalita ng kanyang mga polisiya ukol dito.
Ang kanyang bagong polisya ay huwag patulan at balewalain ang mga opinyon ng mga kritiko hinggil sa mga ginagawa niyang aksyon sa WPS.
“Maybe I will just ignore my critics… derail me from my official duties and I will just say that, well, after talking to Senator Enrile, you guys have become irrelevant to me,” sabi ni Pangulong Duterte.
Sang-ayon si dating Senator Juan Ponce Enrile sa pahayag ng Pangulo na huwag nang sagutin ang mga kritiko.