“Shut up”
Ito ang sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo kung hindi niya kayang makumbinsi ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, iginiit ni Pangulong Duterte na ang mga pahayag ni Robredo ay mas hinihikayat lamang ang mga tao na huwag mag-avail ng bakuna.
Lumilikha lamang aniya si Robredo ng pagdududa sa bakuna habang sinisikap ng pamahalaan na kumbinsihin ang lahat na ligtas ang mga ito.
Bukod dito, pinapalabas din ni Robredo na nabigo ang pamahalaan sa mandato nitong makakuha ng bakuna.
“Imbes na magtulong to convince the people, here she comes and making it appear that government has failed in its mandate of securing [the vaccine],” sabi ni Pangulong Duterte.
Una nang sinabi ng Malacañang na nagre-react lamang ang Pangulo sa sinuman na palaging mali.