Pangulong Duterte, pinaiimbestigahan sa DILG ang ‘ninja cops’

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang mga tinaguriang ‘ninja cops’, ang mga pulis na nasasangkot sa ilegal na droga tuwing police operations.

Sa kanyang talumpati sa Filipino Community sa Moscow, Russia, inilabas ng pangulo ang kanyang pagkainis at galis sa mga pulis na ituturong may ginawang iregularidad sa drug buy-bust operation sa Pampanga noong 2013.

Iginiit ng pangulo na responsibilidad ng DILG na imbestigahan ang mga pulis lalo na at ang PNP ay nakapaloob sa kagawaran.


Una nang sinabi ng DILG na sinimulan na nila ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa mga alegasyon laban kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Matatandaang inakusahan si Albayalde na nangingialam sa dismissal ng mga dati niyang tauhan sa Pampanga Police Office.

Inamin naman ni Albayalde na kinausap niya si dating PNP Region 3 Director at ngayon PDEA Chief Aaron Aquino tungkol sa estado ng kaso pero itinanggi niya na ginamit niya ang kanynag impluwensya.

Facebook Comments