Pangulong Duterte, pinakikilos ang mga ahensya ng gobyerno na tumugon sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly

378

Pinakilos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan para maghatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, patuloy na nakatutok si Pangulong Duterte sa calamity situation at pinatitiyak na nakatatanggap ng suporta mula sa national government ang mga apektadong komunidad.


Mahalaga aniya sa Pangulo na makabalik agad sa normal na pamumuhay ang mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi rin ni Andanar, mayroong preemptive measures ang pamahalaan para matiyak ang proteksyon at kaligtasan ng lahat.

Nagpaalala si Andanar sa publiko na manatiling updated sa lagay ng panahon at makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.

Umaasa si Andanar na makakabangon agad ang mga Pilipino mula sa hagupit ng Bagyong Rolly.




Facebook Comments