Pangulong Duterte, pinakikilos ang TESDA

Manila, Philippines – Inatatrabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng mga programa o hakbang para madagdagan ang bilang ng mga construction workers o mga skilled workers sa bansa.

Ito ay sa gitna narin ng naging pahayag ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino na dumadagsa na ang mga Chinese Nationals na sa Pilipinas na nagtatrabaho bilang mga construction workers.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, inatasan ng Pangulo ang TESDA na bigyang kasanayan ang masa marami nating kababayan para sa larangan ng construction.


Sinabi ni Panelo na maraming Pilipino ang walang trabaho at maaaring magtrabaho ang mga ito sa construction pero kulang ang taglay na skills kaya mahalaga ang papel dito ng TESDA.
marami din naman aniyang mga nagtatrabaho abroad na construction workers kaya talagang mayroong kinakaharap na problema dito ang bansa.

Facebook Comments