Pangulong Duterte, pinalawig muli ang suspensyon ng VFA abrogation

Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang suspensyon ng abrogation ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa loob ng panibagong anim na buwan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang desisyon ay ipinagbigay alam sa kanya at kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa kanilang pulong kasama ang pangulo.

Ang six-month extension sa suspensyon sa nakatakdang pagbasura sa VFA ay magbibigay kay Pangulong Duterte ng panahon na pag-aralan ito at maresolba ang ilang aspeto ng kasunduan.


Hinihintay ng DFA ang Malacañang na tukuyin ang mga aspeto ng VFA na gustong silipin at mabusisi ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments