Pangulong Duterte, pinamamadali na ang distribution ng COVID-19 vaccines

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na pamamadaliin ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa mga local government units (LGUs).

Ito ay sa gitna ng pagdating ng milyu-milyong doses ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga LGUs na maghintay habang pinabibilisan na ang vaccine distribution.


Pinatitiyak din ni Pangulong Duterte sa mga local chief executives na maipapamahagi sa kanilang mga kababayan ang mga bakuna lalo na at mayroong expiration ang mga ito at hindi masayang.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,539,693 doses na ang naiturok ng 1,047 active vaccination sites sa buong bansa.

Nasa 2.02 million ang nakatanggap ng first doses na karamihan ay mga healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities, at essential workers, habang nasa 514,655 ang fully vaccinated o nakatanggap ng second dose.

Facebook Comments