Pangulong Duterte, pinangalanan ang mga nasa likod ng ‘Pastillas scheme’

Isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakakilanlan ng immigration officials na sangkot sa “Pastillas” Bribery Scheme kung saan nakakapasok ang ilang Chinese tourist sa bansa kapalit ng lagay.

Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” malawak ang modus sa Ninoy Aquino International Airport kung saan halos lahat ng itinatalagang immigration officials ay nasusuhulan.

Sinabi ng Pangulo na ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang suspensyon sa mga tauhan ng immigration.


Naniniwala ang Pangulo na mahalagang pangalanan ang mga ito sa publiko.

Hinimok din ng Pangulong Duterte ang mga awtoridad na huwag hayaan ang mga suspects na takpan ang kanilang mga mukha.

Nabatid na nasa 19 immigration officials ang kinasuhan dahil sa pagkakadawit sa modus.

Facebook Comments