Pangulong Duterte, pinarangalan ang mga medalist ng 2017 SEA Games

Manila, Philippines – Pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga atletang nakapag uwi ng medalya sa 2017 sea games na ginanap sa Malaysia.

Personal na binati ng pangulo ang mga medalist na nakakuha ng ginto, silver at bronze dahil sa pagbibigay karangalan sa Pilipinas.

Nagbigay rin siya ng pagbati sa mga atleta kahit na hindi pinalad ang mga itong manalo.


Ikinatuwa rin ng pangulo ang pagiging host ng bansa 30th SEA Games sa 2019.

Inatasan rin ng pangulo ang Philippine Sports Commission na isama sa pagpilian ng atleta ang kabataang indigenous people at out of school youth para sa 2019 SEA Games.

Facebook Comments