Pangulong Duterte, pinangunahan ang 120th anniversary ng PSG

233

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-120 anibersaryo ng Presidential Security Group (PSG) sa Malakanyang.

Ang nasabing pagdiriwang ay may temang: ‘protecting the presidency, ensuring stability and progress’.

Sa kanyang talumpati, iginiit ng pangulo – hindi hihinto ang mahigpit na seguridad hangga’t hindi nauubos ang mga teroristang grupo sa bansa.


Muling iginiit ng pangulo ang kanyang layuning linisin ang bansa sa ilegal na droga.

Sinabi rin ng pangulo na mayroon ng mahigit 50 billion pesos trust fund para sa dagdag na benepisyo sa mga sundalo.

Tiniyak din ng pangulo na nananatiling mataas ang morale ng tropa ng pamahalaan.



Facebook Comments