Pangulong Duterte pinangunahan ang ilang aktibidad ngayon sa Quezon

92

Personal na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Sariaya Bypass Road sa Lucena City, Quezon.

Sa talumpati ng pangulo, pinapurihan nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa isa na namang milestone project sa ilalim ng Build, Build, Build Program.

Ayon sa pangulo, ang proyektong ito ay isang halimbawa o makapagpapatunay ng commitment ng Duterte administration upang mapagbuti pa ang buhay ng mga Filipino.


Sa pamamagitan ng 7.4KM Sariaya Bypass Road mababawasan ang traffic volume sa kahabaan ng Daang Maharlika mula Sariaya patungong Lucena ng 40%.

Makatutulong din ito sa karagdagang business opportunities sa lalawigan ng Quezon upang maiangat ang buhay ng ating mga kababayan doon.

Samantala, pinangunahan din ng pangulo ang pulong ng Joint National Task Force-Regional Task Force to end local communist armed conflict sa Quezon Convention Center, Lucena City.



Facebook Comments