Pangulong Duterte, pinangunahan ang inagurasyon ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay

Personal na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Duterte na ikinalulugod niya ang pagkakakumpleto sa BIA na magsisimula ang operasyon ngayong araw.

Aniya, ang pagbubukas ng BIA ay maghahatid ng mas magandang transpotasyon sa Bicol Region.


Maituturing din aniyang milestone ng kaniyang administrasyon ang nasabing paliparan.

Bukod dito, ibinida rin ng pangulo na ang BIA ay “most scenic gateway” sa bansa dahil matatanaw mo rito ang Bulkang Mayon.

“Indeed, today’s inauguration is another milestone in the administration’s “Build, Build, Build” Program. We are fulfilling our vision of improving the lives of Filipinos by providing quality infrastructure projects that allow for greater connectivity and mobility, create more jobs, and boost economic activity in other regions.” pahayag ni Duterte

Ang bagong Paliparan na inaasahang maseserbisyuhan ang nasa 2 milyong pasahero kada taon ay moderno at may contactless service at may self-service check-in kiosk.

Facebook Comments