Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong sabado ang ilang malalaking proyekto sa Siargao Island.
Ito ay ang Siargao Island Sports and Tourism Complex, Catangnan- Cabitoonan Bridge System at Libertad Bridges 1 & 2 na ginawa alinsunod sa “Build, Build, Build” program sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Panawagan ng pangulo sa mga taga-siargao na pangalagaan at i-preserve ang isla para sa mga susunod na henerasyon.
Kasabay nito, sinabi rin ng Pangulo na sa tingin niya ay walang masama sa political dynasty.
Hindi kasi aniya ito naaayon sa human behavior at mismong ang mga Pilipino ang may kagustuhan nito.
Sa kabilang banda, muli namang nanindigan ang Pangulo na hindi siya haharap sa International Criminal Court (ICC) dahil wala itong hurisdiksiyon para siya ay kasuhan.