Pangulong Duterte, pinangunahan ang pagtanggap ng Pilipinas ng mga armas, bala at military trucks mula sa Russia

Manila, Philippines – Tumanggap ang Department of National Defense ng 20 multi-purpose military trucks, 5,000 AK-74 Kalashnikov rifles, isang milyong ammunitions o bala at 5,000 steel helmets mula sa Russian Federation Defense Ministry.

Ang turn over ceremony na ginanap sa pier 15, port area, manila ay sinaksihan mismo ni pangulong rodrigo duterte na nagtour din sa anti-submarine warship ng Russia na Admiral Pantaleev na nagtataglay ng modernong equipment gaya ng anti-submarine detectors at destroyer.

Ang pangulo ay sinalubong ng military honors mula sa Russian Navy at nina Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at kanilang Defense Minister na si Sergey Shoigun.


Kasama naman ng Pangulong Duterte sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at iba pang Defense officials.

Facebook Comments