Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga energy officials na resolbahin ang rotational brownouts sa bansa.
Ito ang sinabi ng Pangulo matapos ang naranasang power outages sa Luzon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ayaw ni Pangulong Duterte na magkaroon pa ng rotational brownouts.
Ipinagbigay-alam ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kay Pangulong Duterte na maaari lamang silang bumili ng kuryente para mapanatili ang katatagan ng grid.
“They have the legal basis to purchase power pero it is only to promote stability of the grid. It is not to provide further supply to the grid kasi NGCP nga po sila ano,” ani Roque.
Sinabi rin ng NGCP sa pangulo na ang power outages ay resulta ng kakulangan ng supply ng kuryente.
“Kulang daw po talaga ang supply and iyong kanilang ancillary authority to purchase power is only to provide stability on the grid. Pero ang sabi po ni President ‘I don’t want rotational brownouts,’” anang Palace official.
Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na iniimbestigahan nila ang posibleng sabotage maging ang posibleng sabwatan ng ilang power companies.