Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Japan at United States dahil sa mga donasyon nitong bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Sa unang ‘Talk to the Nation’ ng pangulo kagabi para ngayong linggo, sinabi nito na malaking tulong ang mga bakuna para sa mas maayos na pagdiriwang ng pasko.
Nitong October 15, aabot sa 1.96 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa kung saan una na itong nag-deliver ng bakuna noong July 8 na nasa 1.124 million doses.
Pinasalamatan din ng pangulo ang Estados Unidos para sa karagdagang donasyong 2 million doses ng bakuna sa tulong ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility.
Sa ngayon, umabot na sa 16, 975, 433 doses ng bakuna na na-administer kung saan umaabot sa 75,628 ang average daily jabs ang naitatala sa kalakhang Maynila.