Pangulong Duterte, pinasalamatan ang pribadong sektor sa pagtulong sa vaccine campaign

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa pribadong sektor para sa tulong nito sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, umaasa si Pangulong Duterte na magpapatuloy pa rin ang private sector sa pagtulong para makabangon muli ang ekonomiya.

“Maraming salamat po and I hope you continue. This is our country, you are doing business here,” sabi ni Pangulong Duterte.


“If we can go out of this thing and balik sa ekonomiya natin, marami tayong pera kasi balik na naman sa negosyo kaya ‘yong tulong niyo ay kailangan namin at salamat naman,” dagdag pa ng Pangulo.

Unang sinabi ni Presidential Adviser for Esntrepreneurship Joey Concepcion III na dapat sagutin ng pribadong sektor ang storage costs para sa lahat ng COVID-19 vaccines na papasok sa bansa, binili man ng pamahalaan o pribadong kumpanya.

Facebook Comments