Pangulong Duterte, pinasalamatan ang Russia para sa Sputnik V vaccines

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa pagpapadala ng initial batch ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Nabatid na natanggap na ng bansa ang nasa 15,000 doses ng Sputnik V vaccines mula sa Gamaleya Research Institute at inaasahang iro-rollout ito sa limang siyudad sa Metro Manila na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa vaccine supply para sa Pilipinas.


Pagtitiyak din ng Pangulo na nagsusumikap ang pamahalaan para matugunan nag pandemya at maibigay ang bakuna sa mga tao.

Sa pagdating ng mga karagdagang bakuna, tiniyak ng Pangulo na magpapatuloy ang vaccination drive.

Facebook Comments