Manila, Philippines – Binigyan ng sampung araw ng Korte Suprema si Pangulong Rodrigo Duterte para sagutin ang quo warranto petition na isinampa ng isang abogado hinggil sa iligal na Certificate of Candidacy (COC) noong 2016 elections.
Ito ay kasunod ng SC ruling na ang mga impeachable officers, kabilang ang Pangulo ay subject sa quo warranto action.
Nabatid kasi na inakusahan ng dating nuisance candidate sa pagka-presidente na si Ely Pamatong ang pangulo bilang isang Illegitimate Chief Executive batay sa COC na hindi inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC).
Matatandaan na noong December 2015, tinanggap ng COMELEC ang COC ni Pangulong Duterte bilang substitute candidate si Martin Diño na ngayon ay interior undersecretary.
Pero iginiit ni Pamatong na ang orihinal na posisyong nais takbuhan ni Diño ay para sa pagka-alkalde ng Pasay City at hindi talaga bilang pangulo ng ating bansa.
Minaliit naman ng Malacañang ang quo warranto case ni Pamatong laban sa Pangulo dahil wala itong “legal and factual merit.”