Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na makakatulong ang ilang seaport development projects sa Mindoro upang mapaghusay o mag-improve pa ang buhay ng ating mga kababayan sa lalawigan.
Sa talumpati ng pangulo sinabi nito na malaki ang role ng Mindoro sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa gayundin ng interconnectivity dahil nagsisilbi itong gateway sa mga pasahero at produkto mula sa Luzon patungong Visayas, Mindanao at vice versa.
Maliban dito makatutulong din ito sa muling pagsigla ng turismo sa Mindoro.
Matatandaang pinangunahan nito ang inagurasyon ng 8 integrated seaport development projects kabilang na ang Port of Abra de Ilog, Port of Calapan, Port of Balatero, Port of Bansud, Port of Bulalacao, Port of Mansalay, at Port of Roxas.
Ininspeksyon din ng pangulo ang pinalawak na Port of Calapan Passenger Terminal Building na ngayon ay maaari nang makapag-accommodate ng hanggang 3,500 pasahero.
Matapos nito ay nagtungo ang presidente sa Bulwagang Panlalawigan, Bulwagang Panlalawigan ng Mindoro para sa meeting ng joint national task force-regional task force to end local communist armed conflict sa Mimaropa.