Pangulong Duterte, pinatatanggal ang larawan niya at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga opisina ng gobyerno

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan kabilang na ang mga Government Owned and Controlled Corporation, State Universities and Colleges at lahat ng public schools sa buong bansa na i-display ang mga larawan ng mga pambansang bayani sa kanilang mga tanggapan.

Batay sa Memorandum Circular Number 25, ipinatatanggal na ni Pangulong Duterte ang kanyang larawan at mga larawan ng mga opisyal ng pamahalaan sa lahat ng mga opisina ng gobyerno at ipalit dito ang mga larawan ng mga pambansang bayani.

Ibig sabihin nito ay hindi na dapat makita ang mga larawan ng mga politiko at iba pang opisyal ng pamahalaan sa kanilang mga opisina.


Nakasaad sa MC 25, ito ay para mapalakas pa ang nationalismo ng mga Pilipino, at ang paggalang sa mga bayani para mabigyang halaga ang kasaysayan ng ating mga bansa.


Facebook Comments