Tiniyak ng pamahalaan na nakakasunod sila sa mga requirements para sa vaccine supply.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang acquisition process ng COVID-19 vaccines kaya wala dapat sinisisi kung bakit naaantala ang pagdating nito sa bansa.
“Si Pangulo also understands na we are at the receiving end of these vaccines. As much as we want to and as practicable as possible, ginagawa naman natin ang lahat ng kinakailangan natin based on the requirements being asked of us,” sabi ni Nograles.
Giit ni Nograles, na obligasyon pa rin ng vaccine manufacturers na ipadala ang mga supply ng bakuna sa bansa.
Nabatid na nakapag-order na ang pamahalaan ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang suppliers abroad at inaasahang darating ang mga ito ngayong buwan.