Pangulong Duterte, pinatitiyak sa mga nasalanta ng bagyo na ang perang itutulong sa kanila ng gobyerno ay hindi masasayang

Nakikiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng bagyo na wag sanang sayangin o lustayin ang matatanggap nilang ayuda mula sa gobyerno.

Sa kanyang pagbisita sa Siargao Island kahapon, sinabi ng pangulo na mahirap ang buhay ngayon at hirap din ang gobyerno sa paghahagilap ng pera na ipantutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Reaksyon ito ng presidente makaraang makatanggap ng ulat noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan ipinangsugal lamang ng ilan ang natanggap nilang ayuda, habang ang iba naman ay ipinambili lamang ng alak.


Inaasahan kasing maipamimigay na ngayong araw sa mga biktima ng kalamidad ang pangako ng pangulo na tulong pinansiyal sa mga pamilyang apektado.

Facebook Comments