Pangulong Duterte, pinayuhan ang health workers na hintaying dumating ang AstraZeneca vaccines kung ayaw ang Sinovac

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya ang mga healthcare workers na pumili ng gusto nilang brand ng COVID-19 vaccine.

Ito ay kung tatanggi silang magpaturok ng Sinovac vaccines.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng Pangulo ang medical frontliners sa kanilang mga sakripisyo sa panahon ng health crisis.


Pagsisiguro ng Pangulo na handa ang gobyerno na magbigay ng anumang suportang kailangan ng mga health workers sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Kung ayaw aniya nila ng Sinovac ay hintayin na lamang nilang dumating ang AstraZeneca vaccines.

Inaasahang darating sa bansa ang 525,000 doses ng AstraZeneca vaccines sa pamamagitan ng COVAX Facility, naantala lamang dahil sa isyu sa global supply.

Facebook Comments