Pangulong Duterte, pinayuhan ang kanyang Gabinete na pagbutihin pa ang trabaho

Manila, Philippines – Pinayuhan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete na galingan ang kanilang trabaho.

Ayon sa Pangulo – nasa kamay ng mga matatalinong opisyal ang mga ahensya ng gobyerno pero hindi niya kayang palampasin ang katiwalian.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo – marami na ang nagrereklamo sa mahabang proseso ng transaksyon sa pamahalaan.


Binalaan din ng Pangulo si Health Sec. Paulyn Ubial na papalitan niya ito kapag natagalan pa ang procurement o pagbili ng gamot at equipment para sa mga sugatang sundalo.

Facebook Comments