Matapos higit limang taong panunungkulan bilang pangulo, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nais tumakbo sa bilang susunod na presidente ng Pilipinas na huwang nila itong ituloy.
Sa State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na mahabang oras ang kailangang gugulin ng isang pangulo habang mababa lamang ang natatanggap nitong sahod.
“You know, sabihin ko sa inyo, huwag kayong mag-presidente kay wala talagang… Sabihin ko maliit ang suweldo, wala ka,” ayon kay Pangulong Duterte.
Bukod dito, limitado rin ang galaw ng isang pangulo dahil sa mahigpit na seguridad na inilalatag ng Presidential Security Group (PSG).
Aniya, para siyang bilanggo dahil hindi madaling makalabas ng Malacañang.
“Itong PSG hindi ako pinapalabas. Magsabi ako magpunta ako doon, ‘Sir, hindi puwede ‘yan, hindi puwede.’ Kulong talaga ako. Mag-presidente ka, sa totoo lang, you are a prisoner,” anang Punong Ehekutibo.
Gayumpan, binanggit din ni Pangulong Duterte ang ilang perks tulad ng pagsakay sa helicopter papunta sa iba’t ibang lugar.